Sa General Santos City,8 taong gulang na babae, hinalay-patay halos madurog ang bungo!

Wala ng saplot ang katawan ang 8 walong taong gulang na babae at halos madurog ang bungo na natagpuan sa isang ransohan sa Barangay Tambler, General Santos City pasado alas dos ng hapon biyernes

Ayon kay PSI Fernando Manuel, ang hepe ng Police Station 7, kagabi pa naireport sa kanila na missing ang bata. Huli umano itong nakitang kasama ang kapitbahay nila.

“Ni-respondehan natin agad yong report ng mga magulang sa atin, kaninang umaga pumunta tayo sa bahay nila at may nakapagturo na huling kasama nong bata kagabi, yong kapitbahay nilang panadero”, pahayag ni PSI Manuel.


Nakita umano ng mga pulis na nilalabhan ng suspek na si Mark Engkong ang kanyang mga damit na may bahid ng dugo. Dito na dinampot ang suspek at ikinulong sa selda ng Police Station 7. Ayon kay PSI Manuel, inamin umano ng suspek sa kanila ang krimen at itinuro kung saan nito itinago ang bangkay ng biktima.

“Umamin ito sa amin kaya nalaman naming na sa rantsohan niya inilibing yong bangkay ng bata. Para sa amin, personally, walang kapatawaran itong ginawa ng suspek”, pahayag ni PSI Manuel.

Pero iba ang bersiyon ng suspek sa media. Inutusan umano siya ng dalawa pa niyang kasamahan na kunin ang bata, dinala umano nila ang bata sa bakanteng lote at doon na umano niya nakita ang dalawa niyang mga kasamahan na ginahasa ang bata.

“Pero habang ginagawa nila yon, tumakas na ako. Hindi ako ang gumawa niyan”, pahayag ni Engkong.

Pero paiba-iba umano ang pahayag ng suspek. Pero agad pinuntahan ng mga Pulis ang rantsohan sa barangay Tambler at kinordon ang lugar. Pagdating ng Scene of the crime operatives, nadiskubre nga ang bangkay doon ng biktima. Hindi makapaniwala ang mga magulang ng biktima sa kalunos-lunos na sinapit ng kanilang bunsong anak.

“Mas maganda kung i-death penalty dapat talaga i-death penalty, kawawa naman yong anak ko”, pahayag ng ama ng biktima.

Ipagdiriwang sana ng Pamilya ang ika-walong kaarawan ng biktima pero nagluluksa ang pamilya sa brutal na pagpaslang sa biktima. Hustisya rin ang panawagan ng ina ng pinatay na bata.

“Mas maganda na makulong siya pero dapat mahuli yong mga kasama niya para mabigyan talaga ng hustisya ang anak ko”, pahayag ng magulang ng biktima.

Tiniyak ng mga pulis na ibibigay nila ang hinihiling na katarungan para sa batang ginahasa at pinatay ng mga kriminal.

source:facebook.com


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento