LOOK! Pabahay sa Marawi, ‘di matutulad sa Yolanda Victims

Hindi na mauulit sa Marawi ang mga naging pagkakamali sa Yolanda rehabilitation noon lalo na sa pabahay para sa mga naging biktima ng bagyo, ito ay pagtitiyak ng mga opisyal.

Ayon kay Zia Alonto Adiong tagapagsalita ng Provincial Crisis Management Committee ng Lanao del Sur na hindi na mauulit sa Marawi ang mga problema noon sa rehabilitation sa Tacloban para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013.

“The agencies involved in the reconstruction and rehabilitation of Marawi were the ones involved in the rehabilitation of Yolanda so they know the mistakes and they would try to avoid those mistakes,” -ayon kay Adiong.


Ayon naman kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, gagawing matibay, maayos at komportable para sa mga taga-Marawi ang itatayong temporary shelter Naging mapait aniya ang naging karanasan ng mga biktima ng bagyong Yolanda dahil kahit maraming tumulong ay hindi pa rin natapos hanggang ngayon ang pabahay sa mga ito, kaya’t sa pagbangon ng Marawi City ay titiyakin ng gobyerno na hindi mauulit ito. 

“The very painful and bitter experience of Yolanda will not happen again. We can assure you that. If you notice, you don’t see government today actively seeking for donations and assistance,” ang pahayag ni Andanar. 

Sinabi naman ni Marawi Mayor Majul Usman Gandamra na tuloy-tuloy ang paggawa sa mga transitional shelters sa Barangay Sagunsungan sa Marawi.

“Patapos na po ‘yung road network at ngayon ay ‘yung mga foundation work na lalagyan ng mga temporary shelters are ongoing din,” -ayon kay Gandamra.

Samantala, kakasya mula lima hanggang anim na miyembro ng pamilya ang 22 square meters na  transition shelter na may kasamang lababo, may palikuran, at single detached unit ang mga ito.

Ngayong darating na Disyembre 15 ang deadline para magsimulang mag-turn over sa mga internally displaced persons.

Samantala, pinagiisipan na rin ng Task Force Bangon Marawi ang pagpepreserba ng hanggang tatlong gusali sa loob ng ground zero

Ayon kay Del Rosario na hindi na aayusin ang matutukoy na gusali para magsilbing alaala ng pinagdaanan ng bansa sa laban nito kontra terorismo. 

Kabilang naman sa rehabilitasyon na gawing tourist destination ang Marawi City. Ganun din ang pagpapaganda ng mga ilog sa loob ng lungsod at lalagyan ng mga bangka na maaaring sakyan ng mga turista patungo sa mga itatayong resort sa gilid ng Lanao Lake. 

Ayon pa kay Del Rosario, naghayag na ang ilang Muslim countries na tutulong sa pagtayo muli ng mga masjid sa lungsod. 


source:Abs-Cbn

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento