Japan Nagbigay ng 5 patrol planes sa Pilipinas,China naman ay P1.15-B tulong sa Marawi!

Magbibigay ang China ng P1.15 billion na donasyon sa Marawi City ayon kay Chinese Primier Li Keqiang matapos ang ginanap na bilateral meeting nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay tulong para lalong mapabilis ang muling pagbangon ng Marawi natitiwala kasi ito na sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay agad na maaayos ang Marawi.

Samantala ang Japan naman ay nagbigay ng 5 surveillance patrol planes sa Philippine Navy ng Pilipinas bilang suporta sa pagbabantay ng bansa sa mga teritoryo nito.


Ayon sa Department of National Defense, ito ang naging ‘highlight’ ng naging bilateral meeting sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at Japan noong Lunes.

Pinangunahan ni Defense Undersecretary Raymund Elefante at ng kanyang Japanese counterpart ang paglagda sa mga dokumento upang pormal nang mailipat sa pangangalaga ng Pilipinas ang limang surveillance aircrafts.

Ayon sa kagawaran, inaasahang lubhang makakatulong ang nasabing aircrafts sa pagmomonitor at pagsasagawa ng search and rescue operations ng Pilipinas sa teritoyo nito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento