VP Robredo gustong pumalit sa puwesto ni Taguiwalo sa DSWD!

Nagpakita si Bise Presidente Leni Robredo ng interes na maging kasunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Ito ay pagkatapos na siya ay nanguna bilang posibleng kapalit para kay Judy Taguiwalo sa isang Twitter poll na nilikha ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Sec.Mocha Uson  Huwebes, Agosto 17.

Bukod kay VP Robredo, kasama din na pinagbutohan ng mga netizens ay sina DSWD Assistant Secretary Lorraine Badoy, dating Tarlac Rep. Monica Louise ‘Nikki’ Prieto-Teodoro (asawa ng dating Defense Gilbert Teodoro, at iba pa). 

Ang bise presidente ay may 82 porsiyento sa 14,329 na boto, na sinundan ni Badoy na may 6 na porsiyento.  

Sa isang pakikipanayam,sinabi ni VP Robredo na nalulugod siyang malaman na libu-libong netizens ang gusto niyang maging kasunod na kalihim ng DSWD. 

“Nagpapasalamat kami sa mga naniniwala sa aming kakayahan. Kung sakaling muling bigyan kami muli ng pagkakataon ng aming pangulo sa cabinet, walang dahilan upang tanggihan ko.“aniya. 

“Siyempre, malaki ang maitutulong nito sa ating kampanya na maabot lahat ng nasa laylayan. Hindi naman kaila sa inyo na kulang sa pondo ang ating opisina para maisakatuparan natin ang ating adhikain. Kung ako ang maging susunod na DSWD secretary, umasa kayo na itutuloy ko ang mga proyekto ng naunang namuno.” dagdag pa ni Robredo


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento