“Kahit sino na lang kakaladkarin ng pulis para umabot sa quota? Makuha ang reward money?” -Sen.Pangilinan

Nanguna sa mga bumatikos ay si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa naging operasyon na mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ng isang binatilyo sa Caloocan City noong Miyerkules ng gabi, August 16.

Kinuwestiyon niya ang mga pulis sa pangyayari dahil malinaw raw sa CCTV footage na inilabas ng barangay na kinaladkad ang bata at hindi nanlaban. 

Yung isang pinatay, si Kian Loyd delos Santos, 17 years old, kitang-kita sa barangay CCTV na kinaladkad ng 2 tao papunta sa lugar kung saan sya natagpuang patay,” ani Pangilinan 

Kahit sino na lang kakaladkarin ng pulis para umabot sa quota? Makuha ang reward money?” dagdag pa ng Senador.

Napansin rin daw niya na karamihan sa napapatay ay mga mahihirap.

“Hindi solusyon sa problema ng droga ang kaliwa’t kanan na patayan ng mga maliliit at mahihirap habang tone-toneladang shabu ang pinapalusot sa BOC… Hindi ito makatarungan.Giit pa ni Pangilinan.

Samantala ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, agad nilang nilang inaksiyunan ang naturang insidente at ni-relieve ang tatlong pulis para sa gagawing imbestigasyon. 

“Immediately, pina-relieve natin ‘yung tatlong involve na pulis, plus the PCP commander at temporarily in-assign natin sa Regional Police Holding and Accounting Unit natin to pave the way for an impartial investigation,” sabi ni Albayalde.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento