Faeldon papalitan na ni (PDEA) Chief Isidro Lapeña sa BOC!

Inanusyo ni Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng gabi na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Isidro Lapeña ang susunod na magiging commissioner ng Bureau of Customs (BoC). 

Ayon kay Duterte dahil sa paghirang niya kay Lapeña bilang BoC chief ay awtomatikong papalitan na sa puwesto si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Inihayag din ng Pangulo na magiging kahalili ni Lapeña ang Philippine National Police (PNP) official na si Aaron Aquino bilang hepe ng PDEA. 

Samantala welcome kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin na ang ilang beses na niyang pagbibitiw sa pwesto at pumili na ng ipapalit sa kaniya. 

Sa inilabas niyang pahayag sa kaniyang official Facebook page, sinabi ni Faeldon na naniniwala siyang para sa ikabubuti ng bansa ang desisyon ng pangulo, dahil ang pananatili niya sa kawanihan ay nagiging “politically polarizing” na. 

Gayunman, nangako si Faeldon na patuloy niyang pagsisilbihan ang bansa para sa ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento