Nilinaw ng Malacañang na wala namang live target si Pangulong Rodrigo Duterte nang paputukan nito ang posisyon ng kalaban sa kaniyang muling pagbisita sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hinawakan lang ni Duterte ang baril para sa photo opportunity.
Ani Abella, hindi nagpaputok ng rifle si Duterte, kundi binitbit niya lang ito. Dagdag pa niya, maalam naman ang pangulo tungkol sa mga ganoong klase ng baril at alam niya ang limitasyon ng kaniyang mga aksyon.
Noong Huwebes ay tumungo si Duterte sa Marawi sa ikatlong pagkakataon kasama ang mga sundalo, ilang oras matapos mabawi ng pwersa ng pamahalaan ang Marawi City police station.
Sinisiyasat din ni Pangulong Duterte ang isang bilang ng mga barangay sa ilalim ng kontrol ng tropa ng gobyerno.
Siya’y nagtungo mismo sa Main Battle Area of Marawi City. Ang Front Line kung saan tinutugis ang natitirang Maute/ISIS ay 300 meters na lamang mula sa kinaroroonan.
Video courtesy Mucha Uson
0 Mga Komento