Binuweltahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa kanyang pahayag na may umiiral na polisiya ng pagpatay ang administrasyon kasunod ng magkakasunod na pagkakapatay ng Caloocan City Police kina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview matapos ang pagdalo sa 55th anniversary celebration ng Metrobank sa Fort Bonifacio, Taguig City, nais niyang tanungin kay Hontiveros kung sapat na bang basehan ang dalawang kaso ng pagpatay para sabihing may ganitong polisiya ang gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, kaya napaiyak si PNP Chief Ronald dela Rosa sa pagdinig ng Senado dahil nasaktan sa nasabing tinuran ni Hontiveros.
Kasabay nito, kinastigo ng pangulo si Hontiveros sa pananahimik noon sa mga nangyaring pagpatay lalo sa pamamayagpag ng iligal na droga noong panahon ng kinabibilangang Liberal Party (LP).
Kahit nga daw noong nangyari ang masaker sa Bulacan na pati isang taong gulang na sanggol ay nadamay, hindi niya nakita o narinig na umiyak o nagreklamo laban sa pulis si Hontiveros na namumulitika lamang daw.
“No. I think he’s hurt that ‘yung policy na — itong pangalawang namatay. Do you think two killings, even if it’s illegal, would make a policy? Dalawang patay. Palagay na natin, pinatay — murder o… I asked Hontiveros, “Is that already a policy? Is that the baseline of a policy?” Paka-bobo naman niya. Kaya umiyak ‘yung tao nga eh. It’s an insult na sabihin it’s a policy of the police to kill.
There are so many criminal minds, even in the Liberal Party. Sila, the record of plunder and also killing, you make a comparison.
‘Yung sa kanila, ‘yung killings noon, well, hindi, because it’s not… Wala, pulis takot, wala. Even the drugs, they were all silent. So, when I became President, sinabi ko sa Pilipino, “This is how widespread the drug is.” Wala man silang…Bakit ba? ‘Yung limang pinatay doon sa Bulacan, na pati ‘yung one-year-old na bata pinakialaman, pinatay. Why is that… Why don’t I hear… I do not hear her crying or even complaining that the police are not doing enough. Tapos, they pick up… Eleksyon eh. Politika. They’re crazily into it. And even before the elections, may assignment ‘yan siya. She was assigned with a group, I would not name them now. But, nakuha ko ‘yang mga conversations nila,” ani Pangulong Duterte.
Watch the video Courtesy of FB News5everwhere
0 Mga Komento