Duterte nilinaw na kahit saan sa bansa pwede niyang e-assign si PCI Espinedo

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman bilang chief of police ng Iloilo City si Chief Insp. Jovie Espenido sakaling itatalaga siya roon. 

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos kanselahin ng Philippine National Police (PNP) ang assignment ni Espenido sa Iloilo City dahil bitin ang ranggo para maging chief of police. 

Sinabi ni Duterte sa ambush interview kagabi sa Fort Bonifacio, Taguig City, wala siyang sinabing itatalaga si Espenido bilang chief of police dahil alam niyang wala pa itong ranggo para sa posisyon.


maaari naman siyang i-assign doon sa Iloilo bilang station commander para tutukan ang kampanya laban sa iligal na droga. 

Inihayag ng pangulo na bilang commander-in-chief, maaari niyang i-assign si Espenido saan man sa bansa.


“Look, I did not say that you should be there as a Chief of Police. Alam ko wala pa siyang rango. Ako nagpipirma ako ng appointment, pati promotion. Sinabi ko lang, gusto mo ang assignment mo doon? Maybe as head, doon din—police station commander lang naman siya, hindi naman siya ang police doon. When he was in Ozamiz, he was not really the—may police chief doon. In-assign lang siya para solbahin ang stranglehold ng droga,” ani Pangulong Duterte. “I can assign him anywhere. As a matter fact, I can order him to report…but not as the Police Chief,” dagdag ng pangulo.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento