Hindi naaangkop ang pagdedeklara ng holiday sa Ilocos Norte sa ika-100 kaarawan ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. to ang reaksyon ni Vice President Leni Robredo kahapon kung saan bukod sa holiday sa Ilocos Norte isinelebra pa ng pamilyang Marcos at ng kanilang supporters ang kaarawan ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay Robredo, karapatan ng mga naulila ni Marcos na iselebra ang kaarawan ng kanilang yumaong mahal sa buhay subalit hindi ito nararapat idikta ng pamilya sa publiko dahil sa dami ng mga kasalanan ng dating pangulo sa sambayanang Filipino na hindi pa nila inaamin hanggang ngayon.

“Parang kinakalimutan natin iyong lahat na kasalanan na nagawa sa taumbayan. Parang nire-revise iyong kuwento, nire-revise iyong kasaysayan, na hindi naman dapat,” ani Robredo sa mga mamamahayag sa 40th founding anniversary ng Doña Remedios Trinidad in Bulacan, na ipinangalan sa biyenan ng dating diktador. ayon sa Senadora.
Nangyari ito sa gitna ng isiniwalat ni Duterte na nais umano ng pamilyang Marcos na ibalik sa gobyerno ang mga ill-gotten wealth ng pamilya sa 20 taong pamumuno sa bansa.
0 Mga Komento