Bukod sa hindi pagtutugma ng DNA test, ibinunyag ngayon ng Philippine National Police (PNP) na hindi tuli ang bangkay na pinaglalamayan ngayon sa Cainta, Rizal na una nang inaangkin ng mag-asawang Eduardo Gabriel at Lina De Guzman na anak nila na si Reynaldo De Guzman alyas Kulot.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, base ito sa pagsusuri na ginawa ng PNP sa bangkay. Dagdag ng opisyal, base sa pahayag ng mga kapatid ni Kulot, nagpatuli na ang kanilang kapatid noong dose anyos pa lamang.
Ayon kay Carlos patunay ito na hindi ang bangkay na narekober sa Gapan, Nueva Ecija na tadtad ng mahigit dalawampung saksak ang anak ng mag asawang Eduardo at Lani.

Una rito, sinabi ng PNP na hindi nagtugma ang DNA test ng bangkay sa mag asawang Eduardo at Lani. Sa ngayon tuloy ang paghahanap ng PNP kay Kulot na una nang naiulat na nawawala kasama ni Carl Angelo Arnaiz na napatay sa isang police operation sa Caloocan city matapos mangholdap ng isang taxi driver.
0 Mga Komento