Utos ni Duterte hindi itatago ang mga batang lansangan sa panahon ng ASEAN Summit -MalacaƱang

Hindi gagayahin ng Malakanyang ang ginagawa ng nakalipas na administrasyon na hinuhuli at itinatago ang mga batang lansangan kapag may mga international event sa bansa.

Matatandaang kapag may deligasyon sa bansa ay agad tinatago ang mga batang lansangan o tinataklapan ang mga Eskwater para hindi ito makita.

Ayon kay Social Welfare Undersecretary Mitch Cajayon Uy na mismong si Pangulong Duterte ang nag-utos na huwag itago ang mga batang lansangan aa panahon ng ASEAN summit. 


Sinabi rin ni Undersecretary Uy nais ng Pangulo na makita ng mga ASEAN leaders kung ano talaga ang tunay na kalagayan ng Pilipinas. 

Inihayag ni Uy na mayroong mga programang nakalaan para sa mga batang lansangan para sa kanilang kapakanan.

Kabilang sa mga aktibidad na para sa mga batang lansangan ay ang feeding program, paglalaro at pagbabasa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento