ThingkingPinoy: ”Dahil may social media na! Nandito na ako, nandito na kayo. Hindi na tayo mauuto.

Social media blogger RJ Nieto also known as Thinking Pinoy (TP) once again boosted the confidence and spirit of his co-Duterte supporter amidst the left and right accusation is thrown against the President.

In a Facebook post, TP reflected on President Duterte’s remark likening himself and his current situation to what happened to the late former Supreme Court Justice Renato Corona.

What happened to (former Chief Justice Renato) Corona is happening to me.”


This was what President Rodrigo Duterte had to say to the accusations of unexplained wealth hurled against him, which he said were just “lies.”

Duterte’s remark prompted in the middle of accusations of unexplained wealth against him which he considered all as lies,

“I do not lose my freedom of expression so there are lies based on baseless hundreds of millions and even if I wanted to steal, saan ko kukunin yang p***i* amount na yan?” the President added.

TP(Thingking Pinoy recalled what the fate of former Chief Justice and how he got impeached during the time of former President Benigno “Noynoy” Aquino’s administration. 

Read his Full post:

DUTERTE TO SUFFER CORONA 2.0?
“What happened to (former Chief Justice Renato) Corona is happening to me.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte kamakailan lang. Tapos, napaisip ako:
Ano nga ba ang naaalala ko don sa kay CJ Corona?
Ang alam ko, na-impeach ang lola mo dahil inaccurate ang SALN niya. Kahit may presumption of ill-gotten wealth pag may discrepancy sa SALN, hindi pa rin napatunayang meron siyang ill-gotten wealth dahil may sapat siyang mga alibi para sa mga alegasyon.
SALN lang talaga ang puno’t dulo ng kanyang pagkakatanggal.
Alam naman nating ang grounds for. impeachment ay treason, bribery, graft, betrayal of public trust, culpable violation of the constitution, and other high crimes. Malinaw na hindi kasali rito ang SALN underdeclaration dahil madali naman itong itama sa pamamagitan ng refiling.
Pero siyempre, problema ang SALN underdeclaration kung may substantial na assets na hindi nadeclare. Kaya lang, lumilitaw namang nadeclare lahat ng assets ni Corona sa SALN na yon.
May nilista noon ang Land Registration Authority na 45 properties pero ang karamihan nito ay naibenta na o hindi naman talaga nakapangalan sa mga Corona,samantalang ang natitira ay nakapangalan sa anak. In short, hindi ito mga pag-aari ni CJ Corona.
Ano yung sagot ng prosecution noon? Basta naniniwala raw silang authentic yung nga dokumento. Basta ganun na lang raw.
Hala!
Meanwhile, inakusahan rin ni Ombudsman Morales si CJ Corona ng cash deposits na hindi raw commensurate sa kinikita nito. Nasa P30m lang raw ang kita ni Corona over a 9-year period pero umabot ng P130m ang deposits.
Pero hindi sapat na pruweba yon. Paano kung nagpautang halimbawa si Corona ng 10 pesos sa kamag-anak tapos binayaran siya? Would that mean na doble ang magiging bilang sa deposits niya (20 pesos)? Paano kung ipinakibili ang anak niya? Maraming alibi na pwede, kaya lang ay tila hindi ito kinontra ng prosekyusyon.
In short, hindi rin napatunayang mayroon siyang substantial na hidden cash assets. Oo, maaaring may hindi siya na declare na assets, pero hindi ganun kalaki ang underdeclaration para masabi ng may gross misrepresentation na nangyari.
Samakatuwid, nasipa si Corona nang dahil lang sa SALN misdeclaration.
Pero tulad ng nasabi ko, hindi impeachable offense ang SALN underdeclaration na walang kaakibat na discovery ng substantial na ill-gotten wealth.
Sa kabila nito, natanggal pa rin si Corona.
Imagine this : kunwari ay hindi mo nasabi sa property management office ng company mo yung isang ream na bond paper na nagamit mo kagabi. Inaasahan mong mapapagalitan ka ng boss mo, pero pagdating mo sa trabaho the next day, nalaman mo na lang na sisante ka na.
Parang ganun yung ginawa kay CJ Corona.
Oo, napakanipis ng dahilan ng kanyang pagkakatanggal, pero ibinalita ito ng traditional media, kabilang na ang ilang miyembro ng Malacañang Press Cartel, na tila sobrang guilty ng mahistrado…kahit hindi naman.
Hindi ba’t sa Corona Impeachment Trial unang sumikat ang Rappler?
Alam na.
Kaya siguro ako mismo noon e gustong iimpeach si CJ Corona, dahil paniwalang-paniwala ako sa traditional media noon. Paano ba naman kasi, ang hirap noon makakita ng impormasyon tungkol sa kabilang panig. Oo, merong nagsusulat in defense of CJ pero iilan lang sila kaya’t nalunod ang boses nila sa boses ng karamihan sa tradisyonal na Media.
Parang ganun din ang nangyayari kay Duterte ngayon. Pero palagay ko, hindi magiging pareho ang magiging konklusyon.
Bakit?
Dahil may social media na
Nandito na ako, nandito na kayo.
Hindi na tayo mauuto.


source:TheThinkingPinoy


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento