PAL,6 billion na utang sa Gobyerno binayaran na sa wakas!

Nagbayad narin ang  Philippine Airline (PAL) sa kanilang tax liabilities sa gobyerno na humigit kumulang 6 billlion pesos na nagsimula pa noong 1970’s.

Ayon sa ulat ng PTV, dinala mismo ng Vice President for Legal Affairs ng PAL na si Atty. Clara De Casto ang tseke sa of Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). 

Natanggap na ng opisina ni CAAP Chief Accountant Raul Eusebio ang tsekeng ang nakakahalaga ng P 5,677,887,615. 

Binayaran na din ng PAL ang isa pa nilang tax na aabot sa 258,594,230 pesos sa opisina ng Manila International Airport Authority (MIAA) Assistant General Managaer for Finance and Administration Arlene Britanico. 
images via DOTr


Sinaksihan ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na sina Usec. Antonio Tamayo, Usec. Reiner Paul Yebra at Assec Leah Quiambao ang pagbabayad ng PAL. 

Matatandaang sunod-sunod na tina-target ng Duterte administration ang mga malalaking kumpanya na hindi maayos na nagkakapagbayad ng kanilang tax. 

Mula sa cigarette company na Mighty Corporation, Kumpanya ng Prieto Family at hanggang sa PAL. Totoo ngang nandidito na ang pagbabago dahil noong mga nakaraang mga administration ay nakakatakas ang mga kumpanya na ito sa obligasyon sa gobyerno.

“Sabi ko, you are using government buildings, airport, you have a back… back — utang diyan sa runway ‘di mo binabayaran. ani Duterte
Sabi ko, ‘You solve the problem yourself. I will give you 10 days. Bayaran mo. ‘Pag hindi mo bayaran, eh ‘di sarhan ko.’ Wala nang airport. So what? We have to enforce the law. So guys, you guys, if you are put into a great discomfort, sorry. Wala akong magawa. The law is the law. It is the law. And that is what makes me unpopular itong mga… Eh alam mo na. Nandito sila,”giit pa ng Pangulong Duterte 


SOURCE:ptvnews,facebook,


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento