ABS-CBN Reporter Chiara Zambrano Pumalag kay Assec Uson,”Mga bata, ganito ang itsura kapag sinusubukang kontrolin ng pamahalaan ang mga kilos at galaw ng mga lehitimong mamamahayag!.

Pumalag si ABS-CBN reporter Chiara Zambrano sa request ni PCOO Presidential Communications Operations Office Assec. Mocha Uson na mai-reclassify ang Rappler bilang social media, imbis na sa mainstream media ito nakahanay.

Ayon kay Zambrano, ito raw ay tangkang pagbubusal sa malayang pamamahayag,Ipinaliwang din ni Zembrano na bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi nila ito trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto nitong propaganda, o ipromote ang trip ng gusto nito.

Dagdag pa ni Zambrano na ang kanilang trabaho ay nagbabantay sa kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan. Ilabas kung ano ang mali, sino ang mali, ipaliwanag kung bakit. Ipagbunyi ang gumagawa ng tama, para pamarisan. Ilatag lahat sa taongbayan, para sa oras na kailangan niyong pumanig, tumindig, magdesisyon.


Sinabi pa ni Zambrano ni hindi ito  gagawin ni Mocha dahil hindi daw ito ang kanyang sinusulat
giit pa ni Zambrano na ang  nakikita daw natin ngayon ay ang makinarya ng administrasyon na gumagalaw.

Sinabi pa nito di daw dapat ito na maliitin  at palabasing “housekeeping” measure lang, kasihindi naman daw ito pinanganak kahapon.

Samantala dahil sa post nito ni Zambrano umani ito ng sari-saring komento at negatibo man o positibo.





At mayroon din naman nagbigay ng suporta ni Zambrano sa kanyang post
Basahin nyo po

source:facebook


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento