Binuweltahan kaagad ni Davao City Mayor Sara Duterte matapos makunan ng panig si Senador Francis Pangilinan laban sa diumanoy walang utang na loob nito dahil diumanoy lumapit ito sa pamilya Duterte para humingi umano ng tulong noong 2016 election.
Ayon kay Pangilinan sa kanyang statement sinabi nitong may hanganan din ang tumanaw ng utang na loob.
“Nalulungkot tayo sa mga paratang sa atin ni Mayor Sara Duterte sa social media. Marunong din naman tayong tumanaw ng utang na loob sa mga tumulong sa atin sa halalan. Kasama na dito ang Davao City, at sa katunayan, ilang proyekto din ang nilaan natin sa Davao mula 2001 hanggang 2012 sa dalawang termino natin bilang senador,” ani ni Pangilinan sa kanyang statement.
“May hangganan din ang tumanaw ng utang na loob.”dagdag pa ng Senador.

Ayon kay Mayor Sara Duterte sa kanyang Facebook account,sinabi nitong bayani na plastic at oportunista ang Senador.
”Yes, nandoon na tayo bayani kayo as per your personal claims. Pero bayani pa rin na plastic at oportunista.Nung humingi kayo ng tulong alam ninyo ang issue ke PRD, so ngayon nagbago na ba? Hindi diba. Ang nagbago ay naging PRD na siya. Hindi kami nagpapabayad ng utang na loob! Ang topic dito ay orocan at kuto.ani Sara Duterte.
Samanta may hirit naman si Mayor Sara Duterte kina Sen.Riza Hontiveros at Sen.Antonio Trillanes,ayon pa nito humingi daw ito ng tulong(Hontiveros)pero nung nanalo ay kumontra din naman.
Sinabi din niya ay abangan bukas ang kanyang post para naman daw ito kay Sen.Trillanes
”Hontiveros, hingi ka ng tulong sa boto pero nung nanalo na si PRD, saka ka kumontra, ano tawag dun? Trillanes abangan mo bukas umaga post ko, its your time to shine tomorrow. Meantime, kain muna ko. pdi
0 Mga Komento