Ayon sa report ng abogado ni Robredo kahapon Martes,hindi diumano rehistradong botante ang ilan sa mga testigo ni Marcos laban sa kanya sa mga presintong sakop ng Lanao del sur, Maguindanao at Basilan.
Bukod pa nito ayon sa report ng GMA news inaakusahan ng kampo ni Robredo si Marcos ang ”pagsisinungaling at panlilinlang”kaugnay sa nasabing electoral protest ng dating Senador.
In his vain attempt to convince the honorable tribunal to conduct technical examination of election document in the province of Lanao del sur, Maguindanao and Basilan,Marcos has practically resorted to misleading if not totally ”deceptive” representation.ayon sa kampo ni Robredo
Ang dalawang partido ay sumang-ayon na magpakita ng tatlong saksi sa bawat clustered precinct noong Hulyo at Agosto. Hindi rin sinunod diumano ni Marcos.
Ngayon, binigyan ng ikalawang pagkakataon, ipinakita ni Marcos ang 8,000 pangalan ng mga umanong botante.
Sa ngayon wala pa namang sagot ang kampo ni Marcos tungkol dito.
Video courtesy GMA news
0 Mga Komento