In his vain attempt to convince the honorable tribunal to conduct technical examination of election document in the province of Lanao del sur, Maguindanao and Basilan,Marcos has practically resorted to misleading if not totally ”deceptive” representation.according to the statement of Robredo’s camp
Former Liberal Party member, ex-congressman and attorney Atty. Glen Chong wrote on his facebook post that it seems that Leni’s camp did not read the BBM’s Paragraph 3, Manifestation and Compliance Paragraph 3 for its resolution to the Presidential Electoral Tribunal.
This is the full statement of Atty. Chong against the sayings of Vice President Robredo’s camp.
“SI ROBREDO ANG NANLILINLANG AT NAGSISINUNGALING SA PET AT SA PUBLIKO Inakusahan ni Robredo ang kampo ni BBM ng panlilinlang at pagsisinungaling sa PET dahil diumano ay hindi rehistradong mga botante ang mga testigong isinumite nito sa PET sa kanyang protesta.
Dagdag pa ni Robredo, walang basehan ang protesta laban sa kanya at pawang kasinungalingan lamang ito dahil ang mga testigo ay hindi mga rehistradong botante. SA PAGMAMADALI NI ROBREOD NA MAKA-ISKOR SA ISYUNG ITO AT MAY MAISIGAW SA HARAP NG MADLA, nakaligtaan niyang basahin ng maigi o binalewala lamang niya ang nakasaad sa Paragraph 3, Page 2 ng Manifestation and Compliance ni BBM sa resolusyon ng PET.
Malinaw ang sinabi ni BBM sa nasabing paragraph, ni-reserve niya ang pagpresent ng DALAWANG (2) REHISTRADONG BOTANTE sa bawat isang presinto sa lahat ng 2,756 presinto sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan. Ibig sabihin, 2 x 2,756 = 5,512 testigo ang mga rehistradong botante. Dahil mahigit-kumulang 8,268 testigo ang nilista ni BBM na kanyang Manifestation and Compliance, may natitirang 2,756 testigo na maaring hindi mga rehistradong botante.
Walang panlilinlang at pagsisinungaling dito dahil malinaw namang sinabi ni BBM na 5,512 lamang ang rehistradong mga botante sa listahan ng kanyang mga testigo. Ang natitirang 2,756 na testigo ay maari ngang hindi rehistradong botante sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan tulad halimbawa ng mga Comelec Regional Directors, Comelec Provincial Election Supervisors, Comelec Election Officers, Police Provincial Commanders at marami pang iba na maaring nanilbihan sa mga probinsyang ito sa araw ng halalan kaya sila kinuha bilang testigo pero nakarehistro sila sa kani-kanilang mga bayan o probinsiya kung saan sila nanggaling o nakatira.
Siyempre, lalabas silang hindi rehistradong botante sa mga lugar na ito pero competent witness sila sa mga pangyayari sa mga lugar na ito sa araw ng halalan dahil nandoon sila dahil sa kanilang trabaho.
Ang mga kasapi ng Board of Election Inspectors ay maaring hindi rehistradong botante sa mismong presinto kung saan sila nanilbihan pero rehistradong botante sila sa presinto sa ibang baranggay ng kanilang bayan. Hindi man sila rehistradong botante sa presintong kanilang pinagsilbihan, competent witness sila sa mga pangyayari sa loob ng kanilang presinto dahil nandoon sila mismo.
At sa kaso ng mga mandarayang nasa 3 larawang ito, sobrang busy sila sa pagshade ng mga balota sa loob ng bahay at hindi sa presinto. Ito ay malinaw na pandaraya, maliban na lang siguro sa mata ni Robredo. Kung may isa, dalawa o tatlong kasambahay o osyosero na nakakita sa kanilang mga pinaggagawa, hindi ba sila maaring gawing testigo sa kadahilanan lamang na hindi sila rehistradong botante sa kung anong presinto ang minamaniubra ng mga mandarayang ito? Competent witness pa rin sila dahil nakita nila ito at hindi kailangang sila ay rehistradong botante.
Maling-mali na ipilit ni Robredo na lahat ng testigong ipipresenta ni BBM ay dapat rehistradong botante sa presintong kanyang patutunayan ang dayaan. Katunayan, may paraan nga na mapatunayan ang dayaan na hindi kailangan ang testigo.
Pero gustong idaan sa, at ipilit ni Robredo ang, ganitong paraan dahil takot siyang mapatunayan ang dayaang siya ang nakinabang. Ngayon, sino ang nagsisinungaling at nanlilinlang sa PET at sa publiko? Alam nyo na!”
source:facebook
0 Mga Komento