Dilawan Senators pumalag sa hirit ni Duterte na isang taong Martial law sa Mindanao!

Pumalag ang mga opposition Senators sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang umiiral na martial law sa Mindanao na mapapaso ngayong katapusan ng buwan.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, sang-ayon sa rekomendasyon ng militar ay wala umanong legal na basehan o nasusulat sa konstitusyon kaugnay sa sinasabing ‘psychological impact’ bilang dahilan ng extension nito.

Paliwanag ni Drilon, unang-una ay dapat nga ay i-lift na ang martial law sa Mindanao dahil wala nang dahilan para sa pagpapatupad nito matapos na mabawi ng militar ang Marawi City.


Nagsagawa ng briefing ang security officials ng Malacañang kanina sa Senado na dinaluhan nina National Security Adviser Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff Gen. Rey Guerrero at Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Samantala bilang tubong Mindanao, sinabi ni Senador Manny Pacquiao na pabor siya sa pagpapalawig ng implementasyon ng martial law sa loob ng isang taon.

“Mas maganda nga yung martial law dun eh. Kung baga hindi ka matatakot mamasyal, safe,” sabi ng bagitong Senador.
“Walang problema sa akin. Masaya naman kami taga Mindanao,” dagdag pa nito.

Aniya, ang tanging magagawa ng taumbayan ay respetuhin at magtiwala sa desisyon ng Pangulo, “So para sa akin, we should give respect and trust to the President kung ano ang decision. Magtiwala lang tayo sa Pangulo,” dagdag pa nito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento