SWS Survey:” 7 sa bawat 10 Pilipino hindi pabor sa Martial law extension!

Pito sa bawat sampung Pilipino ang naniniwalang hindi na kailangang palawigin ang martial law sa Mindanao.

Naglabas ng survey ang Social Weather Stations (SWS) kaugnay ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Nasa 62{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} ang sumang-ayon sa statement na ibinigay ng SWS na nagsasabing “… dahil tapos na ang digmaan sa Marawi City, hindi na kailangan na palawigin ang Martial Law” (“Because the war in Marawi City is over, there is no need to extend Martial Law beyond its end date on December 31, 2017”).

Aabot naman sa 26{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} ang hindi sang-ayon at nasa 12{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} ang “undecided.”

Ang mga respondents sa Metro Manila ang nakapagtala ng pinaka-mataas na porsyento ng hindi pagsang-ayon na nasa 67{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} habang 62{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} sa Luzon, 55 {36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} sa Visayas at 62{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} sa Mindanao.

Isinagawa ang survey mula December 8-16, 2017 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na Pinoy sa buong bansa na may sampling error margins na ±3{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} para sa national percentages at ±6{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} naman para sa Metro Manila gayundin sa Balance Luzon, Visayas at Mindanao.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento