Komedyanteng si Ethel Booba binasag ang tweet ni Blogger Sass Sasot!

Tila may bagong pinagkakahumalingan ang mga Netizen ngayon matapos ang blogger known President Rodrigo Duterte suporter na si Sass Rogando Sasot patungkol sa kanyang tweet na dapat isagot kung tatanungin ng mga kamag-anak ngayong Pasko.

Ayon kay Sasot, dapat umanong isagot sa “tita mong taklesa” kung tatanungin ka nito ay: Sisihin mo si Gloria.


“Kapag tinanong ka ng tita mong taklesa ngayong Noche Buena kung bakit wala kapang asawa, gayahin mo si PNoy: Sisihin mo si Gloria,” ani Sasot.

Napansin ng Comedian na si Ethel Booba at nag reply naman sa tweet ni Sason at sabing “That’s so 2015. Ang uso ngayon “Tita, give me at least 3 to 6 months at makakahanap din ako ng jowa.” Then kapag di mo natupad extend mo pa ng 5 more years. Charot!” ani Ethel.

Hindi lang ito humirit ba si Ethel at sinabing”“Wag masyado manlaban kay tita at baka sabihan ka ng “patayen keta!” Mawalan ka pa ng pamasko. Charot!” ani Ethel.

Sa ngayon wala pa namang sagot si Sasot kaugnay sa tweet ni Ethel.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento