Pacman pinaasa lang ni Digong ayon kay Trillanes

Naging usap-usapan ngayon sa pahayagan ang sinabi ni President Rodrigo Duterte na gusto niyang gawing pangulo ng bansa ang pambansang kamao.

“’Yung style mo na ‘yan gusto kita gawaing presidente. Alam mo, kaya mo,” sabi ng pangulo.


Hindi naniniwala­ si Senador Antonio Trillanes IV sa pahayag­ ni Pangulong Rodrigo­ Duterte na nais niyang­ gawing susunod na presidente ng bansa si Senador Manny Pacquiao.

Ayon kay Trillanes, pinapaasa lamang ng Punong Ehekutibo si Pacman subalit bandang huli ay ang anak nitong si Davao City Ma­yor Sara Duterte rin ang ieendorse nitong ma­ging pinuno ng bansa.

Wala rin anya itong ipinagkaiba sa mga nauna nang pinanga­kuan ni Duterte.


“Paasa ‘yan kasi ganyan din ang sabi niya kina Alan Caye­tano, Bongbong Marcos, at Gordon.

Gaya sa Davao, si Sara Duterte lang din ang ipapalit n’yan,” saad ni Trillanes sa kanyang text sa TONITE.

source:tonite


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento