Ibinunyag ni pangulong Rodrigo Duterte na tatlong beses nang naghain ng resignation si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
“Si Faeldon has written me thrice… asking me to relieve him noon pa ‘yan pag-umpisa pa ‘yan,” ayon sa Pangulo.
Sa talumpati ng pangulo sa Ozamiz City kahapon, sinabi nitong hindi niya pinagbigyan ang hiling ni Faeldon dahil kailangan niya ng matinong tao sa BOC.
Inamin daw ni Faeldon na hindi niya kayang kontrolin ang korupsyon sa ahensya.
“Sabi n’ya, ‘hindi ko natupad ‘yung pangako ko sa’yo’ and he was right, sabi n’ya ‘hindi ko nakontrol, sir, hindi ko talaga kaya eh’, because the Customs may pagka-x rated pa, hardcore… it is corrupt to the core,” ani Duterte.
Ayon sa Pangulo, hindi naman sa dinedepensahan niya si Faeldon, pero kumpiyansa siya na hindi ito kasali sa mga kurakot na kawani ng Customs.
Inakala din ng pangulo na kaalyado niya ang mga taga-BOC pero mga kurakot din pala maliban kay Faeldon.
0 Mga Komento