Duterte Strikes again Noynoy:‘Yung former President gunggong.Eh talagang gunggong siya,”

Hindi pa rin maka-move on si Pangulong Rodrigo Duterte sa puna ni dating Pangulong Noynoy Aquino na tila wala namang nangyari sa war on drugs na inilunsad ng kanyang administrasyon.

Sa pagbisita ni Duterte sa Ozamiz City Police Station sa Ozamiz City, Misamis Occidental kahapon, muli nitong binakbakan si Aquino.
 “…Na hayaan ko ‘yung bayan ko na lulutang sa droga. 
Eh ano ang sabihin ng tao sa akin? Eh kasi kita mo ‘yung panahon niya. 
Kaya ako nagalit kay… Kaya tinawag ako ‘yung former President gunggong. 
Eh talagang gunggong siya,” ani Duterte.

“Tinanong siya, kumusta ang pagtingin mo sa fight against drugs? Anong sagot ng — eh simple-minded rin talaga eh. Sabi, wala mang nangyari. Anong walang nangyari? Eh ‘yung na-embargo ko na shabu, katumbas lang sa six years niya. Ako, mag-iisang taon. Tapos sabihin niya walang nangyari,” ayon kay Duterte.

Vide courtesy news 5

                 


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento