Alejano:“Sa mga sangkot na miyembro ng kapulisan sa pagpaslang ng mga suspetsado, ”You are not the private army of Duterte!


Palakas umano nang palakas ang loob ng mga pulis sa pagpatay dahil kung dati-rati ay disimulado pa ang nagaganap na pagpatay sa mga suspek sa ilegal na droga, ngayon ay lantaran na at tila wala nang kinatatakutan. 

Ganito inilarawan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang kaso nang pagpatay sa ­17-anyos na si Kian Loyd delos Santos na ayon sa pulisya ay napatay matapos manlaban sa mga pulis-Caloocan na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Sta. Quiteria, Caloocan City. 

Subalit sa kuha ng CCTV ng barangay ay nakitang binitbit lamang ito ng dalawang naka-civilian na pulis hanggang sa matagpuang patay.

“Ito ay nakakalungkot dahil patuloy ang pagpatay sa mga suspetsado na ‘di na dinadaan sa pro­seso ng batas,” 
Ani Alejano kaya hindi nito maisip kung paano ito nagagawa ng mga pulis na tila wala ng konsensya.

Pinaalalahanan ng mam­ba­batas ang mga pulis na huwag magpista sa pagpatay dahil kung inutos man ito sa kanila ay ilegal ito at mananagot pa rin ang mga ito sa batas balang araw.  

“Sa mga sangkot na miyembro ng kapulisan sa pagpaslang ng mga suspetsado, ilegal ang utos na ito. You serve and protect the Filipino people. That is your oath. You are not the private army of Duterte. 

Hindi habambuhay nasa pwesto si (Pangulong ­Rodrigo) Duterte,” ayon pa sa kongresista. 

Dapat aniyang alala­hanin din ng mga ito na na hindi lang ang mga suspek sa ilegal na ­droga ang pinapatay ng mga pulis kundi ang demokrasya sa bansa dahil wala ng paggalang ang mga ito sa rule of law.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento