Tiniyak ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na walang “dirty money” na ginamit sa pagpapatayo niya ng kaniyang bahay na tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mala-Palasyo.
Sagot ito ng alkalde sa sinabi ng Pangulo na iniutos niya ang lifestyle check sa alkalde ng Iloilo City.
Ayon kay Mabilog, wala siyang dapat itago at taliwas sa paniwala ng Pangulo ay hindi Palasyo ang kaniyang bahay.
Katunayan, binuksan nga niya ito sa media noong nakaraang taon para ipasilip ang loob ng kaniyang tahanan.
Iginiit ni Mabilog na bago pa man siya pumasok sa pulitika ay may ilan na silang negosyo ng kaniyang maybahay na si Marivic.
Isa na umano siyang negosyante sa Maynila bago niya napagpasyahan na permanente nang manirahan sa Iloilo at tumakbong konsehal ng lungsod.
Sinabi pa ni Mabilog na ilang taong nagtrabaho sa Canada ang kaniyang misis na si Marivic para makapag-ipon na inilagay naman nito sa investment.
Ngunit ngayon aniya ay hindi niya akalain na ang pangarap niyang makapagpatayo ng magandang bahay ay sanhi ng kaniyang bangungot.
Ang bahay ni Mayor Mabilog na matatagpuan sa Barangay Tap-oc, Molo, Iloilo City ay tatlong palapag at nakaharap sa Iloilo River.
Nang pinasok ng media noong nakaraang taon, wala namang masyadong mamahaling mga muwebles.
Ngunit dati nang naging kontrobersiyal ang nasabing bahay dahil idineklara lang umano ito ng alkalde na nagkakahalaga ng P3 million sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) gayong nasa P50-70 million umano ang halaga nito.
“I have nothing to hide. My house, while often described as a palace, is not quite a palace. It is not as big as pictures would make it appear.
Last year I opened our doors to the local media for them to see the inside. Modesty aside I and my wife were already running a number of businesses before I joined politics.
I was already living a comfortable life in Manila as an entrepreneur when I came home to run for city councilor. I didn’t become rich because of politics, much unlike many politicians,” ani Mayor Mabilog sa kanyang statement.
source
0 Mga Komento