Pangulong Duterte: Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Dapat matagal ng wala sa pwesto!

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat matagal ng nakababa sa pwesto si Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil hindi siya “entitled” ng buong pitong taong termino. 

Sinabi ni Pangulong Duterte, dapat ipinagpatuloy lamang ni Morales ang natitirang termino ng nagbitiw na si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez. 

Ayon kay Pangulong Duterte, nagtataka siya kung bakit nananatili pa rin sa pwesto si Ombudsman Morales gayung dapat sa February 1, 2015 pa natapos ang kanyang termino. 

Inihayag ni Pangulong Duterte na wala siyang pakialam kahit balae pa nito ang kapatid ni Morales at hindi siya mangingiming talakayin sa publiko kung ano ang tama at mali ang pinag-uusapan. 

Una ng inihayag ni Pangulong Duterte na balak niyang bubuo ng Anti-Graft Commission dahil sa sobrang bagal na resolusyon ng mga kaso at matinding katiwalian sa Office of the Ombudsman. 

Tinawag din nitong “master of selective justice” ang Ombudsman kung saan marahas sa mga kalaban habang malambot naman sa kakampi o kaibigan. 

“And may I add, her hold to the office is very, very precarious. You’re supposed to serve the remaining terms of the guy who resigned, not to a full term – that si very clear under the law. That it has not been questioned until now, I do not know why. 

Ako naman kasi balae ko ang kapatid niya, iyong tatay ni Mans. So mabuti iyong open-open. Ayaw kong i-mention in public, but since we are talking about what is right and what is wrong, then maybe we should talk about everything sparing no one,” ani Pangulong Duterte.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento