Wala pa man sa Iloilo City si Chief Inspector Jovie Espenido,most wanted drug lord sa Western Visayas, Napatay na!


Wala pa man sa Iloilo City si Chief Inspector Jovie Espenido, mayroon nang napatay sa isinagawang drug raid ng PNP kanina. 

Dakong alas-diyes ng gabi nang mapatay ang No.1 drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido alyas “Buang” at isa pang suspek matapos manlaban umano sa mga pulis. 

Noong Hulyo pa nitong taon inihayag na national target na si Prevendido at kasama sa most wanted list ng PNP na may P1.5 milyong reward money. 

Siya ang lider ng Prevendido Drug Group, isa sa dalawang pinakamalaking drug group sa Iloilo. Inihayag ni IPPO director S/Supt. Marlon Tayaba na ang operasyon ay pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Prevendido. 

Ngunit binabalya pa lang umano nila ang pintuan upang pasukin ang bahay ay pinaputukan na sila ng mga nasa loob. 

Wala aniya silang mapagpilian kungdi ang barilin ang mga subject. 
Naganap ang engkuwentro sa pagitan nina Prevendido at ng operating team sa ikalawang palapag ng bahay na nirerentahan ng drug lord. 


Sugat sa ulo at lalamunan ang tinamo ni Prevendido. 
Ayon kay S/Supt. Tayaba, may hawak na kalibre .45 na baril sa magkabilang kamay ang suspek. Sinabi ni Tayaba na apat na buwan na umanong nanirahan sa naturang bahay si Prevendido. 

Ito na aniya ang ika-pito nilang operasyon laban sa drug lord kung saan umabot pa sila sa mga bayan ng Anilao, Banate, Cabatuan, Janiuay, Lambunao at Barotac Viejo.

Kabilang sa mga narekober sa loob ng bahay ayon kay Tayaba ay shabu at mga baril. Nabatid na si Prevendido ay may patong sa ulo na P1.1 million. 

Samantala sa Lunes naman, inaasahang pormal na maghaharap sina OIC Espenido at Mayor Jed Mabilog.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento