Sa harap ng mga kuwestiyunableng operasyon ng kapulisan sa pinaigting na drug war ng Duterte administration, pinamamadali ni House Committee on National Defense and Security Chairman at Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon ang pagsasabatas ng kanyang Body Cam Bill o paglalagay ng body camera sa mga pulis na magsisilbi umanong neutral eyewitness.
Ayon kay Biazon, mula nang magsimula ang drug war operations ay marami nang sumbong ukol sa extrajudicial killings.
Sa sitwasyon umano na may mga humihingi ng hustisya gaya lang ng pamilya ng Grade 11 student na si Kian delos Santos at ang paninindigan naman ng pulis na lehitimo ang kanilang operasyon ay mainam na mayroong truthful witness gaya ng camera para maalis ang mga espekulasyon sa police operations.
“To avoid this kind of tug of war for truth between the public and the police, to prove beyond doubt how police operations are conducted and to help prevent or prosecute such abuse or extrajudicial killings, a means to document police action is necessary,” paliwanag ni Biazon.
Use of body cams is one of those mechanisms. Any appropriation for Tokhang Part 2 should include funds for body cams,” he said.
Agosto 2016 pa umano nang ihain ni Biazon ang panukala at napapanahon na agad itong maaprubahan kaya umaapela ito sa kanyang kapwa mambabatas na suportahan ang panukala at maisama ang pagbili ng mga body camera sa hinihinging P1 bilyong budget ng PNP para sa kanilang Oplan Tokhang Part 2.
Sa ilalim ng panukala ay obligado ang mga pulis at iba pang law enforcement personnel na magsuot ng body cameras sa kanilang operasyon kasama rin dito ang pagtiyak na mapoprotektahan ang privacy at basic parameters sa paggamit ng video recording.
“Having video recordings of operations will serve the interests both of policemen and the public they come into contact with. Body cams serve as neutral eyewitnesses that will tell what actually transpired,” pagtatapos pa ni Biazon.
source
0 Mga Komento