Duterte sa mga pulis na maiwan ni Espinedo sa Ozamis: “Anak ng jueteng ka. Anong klaseng pulis ito. Tarantado itong mga unggoy na ito. Nakakaasar. Maya-maya ilagay ko isang batalyon dyan sa Ozamiz,”


Kasunod ng paglipat ni Chief Inspector Jovie Espenido mula PNP Ozamiz patungong Iloilo, naglaan ng P5 milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa makakahuli kay Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog. 

Kwento ng pangulo, nangangamba raw ang ilang opisyal sa PNP Ozamiz na baka raw sila balikan ni Parojinog. 

Tuloy ang pangulo, nag-init ang ulo. “Anak ng jueteng ka. Anong klaseng pulis ito. Tarantado itong mga unggoy na ito. Nakakaasar. Maya-maya ilagay ko isang batalyon dyan sa Ozamiz,” sabi ni Duterte. 

Hindi raw maintindihan ng pangulo kung bakit nagpapatinag ang mga pulis. “Bakit tayo matakot sa mga inutil na ito? You know what’s their bargain pantakot sa atin? Na patayin nila tayo… Alam mo kayo, pati ako, nung pumasok ako pagka-mayor, pulitiko, at nagpresidente, alam ko papatayin talaga nila ako. And may I say to them, I welcome it,” dagdag pa ni Duterte.

Handa raw mamatay ang pangulo kaya naman madalas din siya bumisita sa battleground sa Marawi. “Kaya pagpunta ko sa Marawi, ano sinasabi ko sainyo, I came here to die. 

Kaya pantakot nila na mamatay sila, o edi sabay tayong mamatay,” sabi ni Duterte. 


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento