Sa kanyang pahayag sinabi ng Pangulo kung pa-iimbestigahan daw siya ni Callamard, sasampalin niya ito na pilit na inuugnay sa kampanya ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga.
Sa pagharap kagabi ng pangulo sa Filipino community sa Vietnam, sinabi nito na hindi siya mag-aatubili na sampalin si Callamard sa harap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
“How can I get a fair hearing if you yourself does not even read the publications of your mother organization, United Nations,” Ani Duterte.
“I will slap her in front of you. Why? Because you are insulting me… Why? Because you yourself do not believe in the research of your own organization. You are f*cking me and I do not want it,” dagdag pa ni Duterte.
Paliwanag ng pangulo, malinaw na pang-iinsulto ang ginagawa ni Callamard sa kaniya.
Iginiit pa ng pangulo na mismong si Callamard ay hindi naniniwala sa sariling research ng kaniyang organisasyon na walang masamang epekto ang paggamit ng ilegal na droga.
Inihalimbawa pa ng pangulo ang pagpapaunlak ng TV interview ni Callamard kung saan nagsama pa ito ng isang black doctor at iginiit na harmless ang paggamit ng ilegal na droga.
“Itong p***** Amerikano na ‘to. Galing sa kanila ito, United Nations. Ayaw nilang maniwala, they don’t believe that users of shabu are really violent persons. They tend to fight it out,” dagdag ni Duterte.
Video courtesy news 5
0 Mga Komento