Robredo to Marcos: ”“Parang iyong experience natin sa kanila, kapag eleksiyon, ayaw tumanggap ng pagkatalo.

May payo si Vice President Leni Robredo sa kanyang natalong katunggaling si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. – huwag makiuso sa fake news. 

Alinsunod na rin ito sa pinakalat na balita ng kampo ng dating senador na tinangka umano ng Pangalawang Pangulo at legal team nitong harangin o i-delay ang pag-usad ng inihain niyang electoral protest partikular ang paghain ng mosyon na ipagpaliban ang decryption ng ballot images. 

“Noong una kong nabasa, natawa ako, pero sabi ko nga, parang hindi naman nadadala itong mga Marcos. Alam natin na nauuso ngayon iyong fake news, pero hindi naman kailangang makiuso siya,” ayon pa kay Robredo. 


Ang ganito umanong maling impormasyon ay madali namang alamin o iberipika sa mga kinaukulang ahensiya tulad ng Commission on Elections (Comelec) at Presidential Electoral Tribunal (PET).

Dahil dito, nagbabala ang Pangalawang Pa­ngulo sa publiko na huwag basta maniniwala sa mga pinalalabas ng kampo ni Marcos dahil gagawin nito ang lahat upang makuha ang kanilang hangad na makabalik sa kapangyarihan. 

“Parang iyong experience natin sa kanila, kapag eleksiyon, ayaw tumanggap ng pagkatalo. Nandaraya. Pero ngayon, parang may dumagdag nang pandaraya, mayroon nang fake news,” giit pa ni Robredo kasabay pa ng pagsasabing, 
“Hanggang ba naman ngayon, dahil hindi niya nakuha iyong gusto niya, magsisinunga­ling pa siya, guguluhin niya iyong mga tao sa mga balita na hindi naman totoo?” 

Una nang itinanggi ni Robredo sa pamamagitan ng kanyang abogado na walang katotohanan ang pinalalabas ng kampo ni Marcos na tinangka nilang i-delay ang pag-usad ng electoral protest nito.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento