Pagkadawit nina Sen. Drilon at Roxas bilang Drug protektor walang basehan – VP Robredo

Tinawag ni Vice President Leni Robredo na walang basehan ang akusasyon na drug protector sina Senator Franklin Drillon at dating Interior Secretary Mar Roxas. 

Ayon kay Robredo, na kapag may kaso sa dalawang opisyal ay dapat isampa na agad ito sa korte. 

Ito ang reaksiyon Robredo matapos na idawit ni Ricky Serenio, isang confessed bagman ng iligal na droga, ang dalawang opisyal. 

Matatandaang sinabi ni Serenio na protektor sina Drilon at Roxas ng inaakusahang drug lord sa Visayas na si Melvin Odicta na napatay noong buwan ng Agosto. 


Samantala sinuportahan naman ito ni Sen.Panfilo Lacson ang naging pahayag ni VP Robredo tungkol sa pagkasangkot bilang isang Drug protektor sina Drilon at Roxas.

Ayon kay Lacson kilala nya diumano ng personal ang dalawang opisyal at hindi ito naniniwala sa testimonya ng isang drug personality na idiniin sina sa iligal na droga. 

Ayon kay Lacson na hirap niyang paniwalaan ang mga pahayag ni Ricky Serenio isang drug personality sa Visayas sinasabing karibal sa transakyon ng iligal na droga ng kilalang drug lord na si Melvin Odicta.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento