LOOK! Pilipinas back-to-back korona sa ginanap na Miss Asia Global 2017 sa India!

Muli na namang nagdala ng karangalan sa Pilipinas ang isang physical therapist na mula sa Guimaras, Iloilo na naging pambato ng bansa sa katatapos lamang na Miss Asia Global 2017 na ginanap sa Kerala, India.

Ang 23-year-old na si Mary Eve Adeline Escoto ay ang nag uwi ng korona mula sa nasabing international beauty pageant na ginanap noong November 21. 

Ang mga special awards para sa Best in National Costume, Best in Formal Wear at ang The Missosology Choice Award ay nakuha rin ni Escoto bukod pa sa korona.


Isa itong back-to-back win para sa Pilipinas dahil ang nagpasa sa kanya ng korona ay isa ring Pinay beauty queen, si Miss Asia Global 2016 Trixia Marie Marana.

Ito ang ikatlong panalo ng Pilipinas sa beauty pageants ngayong taon.

Una nang nanalo si Karen Ibasco sa Miss Earth 2017, at nauwi rin ni Teresita Ssen “Winwyn” Marquez ang kauna-unahang titulo bilang Miss Reina Hispanoamericana 2017.

source:facebook,pep


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento