Ayon kay dating Negros Rep. Jacinto ‘Jing’ Paras, hindi nila palalagpasin ang ginawa ng senador dahil kakasuhan nila ito ng sedition, inciting to rebellion o pagbuo ng isang scenario upang maghimagsik ang militar at mga tao para maglunsad ng isang kudeta.
Bukod kay Jacinto, kabilang din sa mga magiging complainants sa kaso ang mga kapwa niya abogadong sina Manuel Luna, Eligio Mallari, at Nasser Marohomsalic.
Tiniyak ni Jacinto na maisasampa nila ang kaso laban kay Trillanes sa susunod na linggo.
Sinabi ng dating kongresista na isang criminal act ang ginawa ni Trillanes dahil binubulag nito sa kasinungalingan ang mga sundalo at sambayanan para magalit at magrebelde laban sa Pangulo.
Sa privilege speech ni Trillanes, binanggit nito na kung makikita ng mga sundalo ang perang kinulimbat ni Pangulong Duterte, baka gamitin pa nila ang M-60 machine gun para tadtarin ng bala ang commander-in-chief.
“Kung makikita ito ng mga sundalo, M-60 ang gagamitin sa’yo kasi marami-rami ito. Mauubos ‘yung magasin, kung P40 million ‘yung hinahanap mo,” wika ng senador sa talumpati
Ikinatuwa naman ni Trillanes ang plano ni Paras na magsampa ng kaso dahil sa magkakaroon siya ng venue upang patunayan ang matagal na niyang ibinabato laban sa Pangulo.
“No matter how absurd these cases may seem, I actually welcome them because, as part of my legal defense, I would be able to prove my claim on Duterte’s ill-gotten wealth,” saad ni Trillanes.
source:inquirer.net
0 Mga Komento