Ang orihinal na tanong, nilagyan ng twist at ikinonek sa problema sa MRT at LRT.
Ang humor blogger na si “Professional Heckler” ang nanguna ng thread sa twitter at nag-post ng tanong na “What quality in yourself are you most proud of and how will you apply that quality to your time as an LRT or MRT passenger?
Final Question: What quality in yourself are you most proud of and how will you apply that quality to your time as an LRT or MRT passenger? #missuniverse— Professional Heckler (@HecklerForever) November 27, 2017
Agad inulan ng kasagutan sa twitter ang nasabing tanong.
Ayon kay Riki FLores-Reyes, ‘resilient’ ang kaniyang katangian dahil sa kabila ng hirap na nararanasan sa pagsakay sa MRT at LRT ang mga Pinoy ay sadyang masayahin.
Resilient. We Filipinos are known for smiling despite tough times & everyone knows you have it the hardest if you’re an LRT/MRT commuter in Manila. So no matter what the trial, my resilience as a sweaty commuter robbed of my personal space will see me through. Thank you Steve.— Riki Flores-Reyes (@rikiflo) November 27, 2017
Ang pagiging ‘palaban’ naman ang sagot ng isa pang netizen na si Jho S. Aniya, kahit sinisiksik siya ng mga kapwa pasahero, gagawin niya ang lahat makalapit lang sa pintuan ng tren kapag bababa na siya sa kasunod na istasyon.
Ayon naman sa isa sa mga nag-tweet, ‘ganda’ lang ang kaniyang katangian na kailangang baunin sa pagsakay sa MRT. Aniya, kahit mainit at siksikan, naglalagay siya ng powder para ‘fresh’ pa rin siya sa kaniyang paglabas.
0 Mga Komento