Manyakis na nagparaos sa policewoman huli! Rehas na bakal na ang hinihimas.

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang empleyado ng kompanyang Maynilad Water Services, Inc. matapos ilabas ang kanyang ari at laruin ito habang katabi sa bus ang isang babaeng pasahero na pulis pala, bandang alas-kuwatro kahapon ng hapon sa ­Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District, kasama ng suspek na si Ching Carreon, 34-anyos, ang dalawang anak na babae at habang nasa gitna ng mahabang daloy ng trapiko sa A. Bonifacio Ave­nue sakop ng Barangay Balingasa ay tila nainip ito at ipinasok ang kamay sa kanyang short pants at saka nilaro ang ari.

Katabi ni Carreon ang isang babae na kalaunan ay nakilalang si PO2 Marites Ramos, nakatalaga sa Women and Children’s Desk ng Manila Police District-Station 10, at napansin nito ang suspek na panay ang kalikot sa loob ng kanyang short pants sa mismong tapat ng ari nito.


Lalo pang nagulat ang policewoman nang ilabas pa umano ng suspek ang ari nito saka muling nilaro at hinimas-himas.

Hindi na nakatiis si Ramos at kinompronta na nito ang suspek. Nagkataon din na may nagpapatrulyang mga tauhan ng QCPD-Station 1 kaya agad niyang binitbit ang suspek at isinuko sa mga kapwa niya pulis.

Dinala sa presinto si Carreon at habang iniimbestigahan ay mariin nitong itinanggi ang pag­lalaro sa kanyang ari sa tabi ng kasakay na policewoman.

Wala rin umano siyang intensiyon na bastusin ang katabing babaeng pulis at maging ang kanyang mga anak.

Kaya lamang umano niya ipinasok ang kamay sa loob ng short pants nito ay dahil hindi na niya matiis pa ang sobrang kati ng buni sa kanyang singit.

Sa kabila nito ay tinuluyang ikulong si Carreon at inihahanda na ang kasong unjust vexation na isasampa laban sa kanya.

Ang Maynilad, kung saan nagtatrabaho ang suspek, ay pag-aari ng MVP Group at Consunji.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento