Ayon kay Lacson, pawang kasinungalingan lang ang pinagsasabi ni Gadon.
“Huwag kayo maniwala masyado kay Atty. Gadon. Kasi puro nga hearsay yung kanya, e di lalong hearsay pa ito. ‘Yun nga tini-testify nya dun House puro hearsay, e ito chismis pa ito, di lalong hearsay. Baka triple hearsay yan,” diin ni Lacson.
Naniniwala naman ang senador na taktika lamang ito ni Gadon upang ma-pressure ang mga senador ang mga testimonya niya laban kay Sereno ay hindi kapani-paniwala kaya dapat huwag paniwalaan ang ikinakalat nitong P200-M na suhol para sa mga senador.
“In the first place, wala akong alam na kumakausap sa mga senador, wala akong nabalitaan. Maybe, you know, ito ang tact niya to put the senators on the spot if and when the articles of impeachment will be transmitted to us. Parang he’s already putting us on the spot para mag-convict kami rather than acquit,” pahayag pa ni Lacson.
Samantala hinamon naman ni Senator Grace Poe na ilabas ng abogado ang kaniyang source dahil unang-una aniya ay magkakaiba ang kaniyang pahayag noong ito ay iniimbestigahan sa kongreso.
“Dapat niyang sabihin kung sino ang sources niya. Unang-una ang dami na niyang mga inconsistencies tapos ilalabas pa niya iyan,” giit ni Poe.
Tiniyak ng dalawang senador na kapag dumating na sa senado ay kanilang lilitisin ng patas ang Chief Justice batay sa matibay na ebidensya.
source:abante-tonite
0 Mga Komento