Sa kanyang pagdalo sa Kapampangan Food Festival na ginanap sa Clark Freeport Zone, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na masarap ang luto ng Pampangueño bukod pa sa maraming putaheng pagpilian.
Bagama’t marunong ding magluto ang mga Ilonggo at Cebuano, simple lang aniya ang kanilang mga putahe gaya ng mga tinolang manok, tinolang isda at prito, hindi katulad ng mga Kapampangan na may ‘sauce’ subalit hindi maikumpara sa iba ang sarap ng mga putahe.

“Masarap talaga ang luto ng Pampangueño. Marami kayong menus, recipes, maybe because of the influence of all, Americans, the Spaniards and the native talent of the Pampangueños,” ang pahayag ng Pangulo.
Pero bukod sa masarap na pagkain, pinuri rin ni Pangulong Duterte ang mga babaeng Kapampangan na aniya ay mapuputi na magaganda.
“This is not a sexist statement ha. Maraming magaganda dito sa Pampanga. Maniwala kayo gi-flying kiss ko nga yung isa kanina.dagdag ng Pangulo
Even the image, iyong pagka-iskulpto ng mukha. I don’t know how many tribes got mixed here but really, it is a good one like the food,” ani Pangulong Duterte.
photo courtesy Presidential Photos
0 Mga Komento