Bata nahulog mula sa 39th floor sa Taguig City, Nakuhanan ng video ng isang Netizen!

Nagkagulo ang mga motorista na bumabagtas sa harap ng Serendra 2 Tower sa Bonifacio Global City sa Taguig nang makita nila ang katawan ng isang bata na tila ay nahulog mula sa mataas na palapag ng gusali.

Kaagad na pinuntahan ng mga security personnel ang kinalalagyan ng bata sa roof trusses ng ikalawang palapag ng nasabing condominium unit kung saan nakita nila na nakasabit ang katawan ng biktima.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni P03 Jason Bartolome ng Taguig City PCP 7 na nahulog ang katawan ng apat na taong gulang na batang lalaki mula sa ika-39 na palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang kanilang unit.


Hiniling ng mga otoridad na huwag nang isapubliko ang pangalan ng nasabing bata na isang Korean national.

Sa paunang impormasyon, sinabi ni Bartolome na nakatanggap sila ng tawag mula sa pamunuan ng gusali kanilang 12:05 ng tanghali at kaagad nilang pinuntahan ang lugar.

Sinabi ng caller na may nahulog na bata sa naturang gusali.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Saint Luke’s Medical Center sa Global City kung saan ay idineklara siyang dead-on-arrival.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.

                                                           
source:facebook


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento