“Ito si [Jose Maria] Sison, isa ring ugok. T*** i**, gusto niya, siya lang ang sosyalista,” Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Ozamiz City Police Station noong August 17.
“Ako daw, peke.
Paano ko hindi maging sosyalista? I’m always left because I’m migrants lang kami dito sa Mindanao,” aniya.
Sinabi ng Pangulo na dumaan sa hirap ang kanyang pamilya. “Dumaan kami ng demolition ng bahay namin. Tapos, just because you are not joining the armed struggle, peke ka na,” aniya.
“Ang sa kanya kasing inisip, ugok, ang gusto niyang maging leftist ka o sosyalista ka, na kailangan sumali ka sa New People’s Army, makipag-away,” dagdag pa ng Pangulo.
”That’s not my style.” “Eh gusto mo daan natin ng politika lilipat kaagad ako sa partido ninyo,” aniya.
“But, it has to be a mainstream political party. I do not want to kill a Filipino just because of – ayaw mo ‘yung [current system].”
“Ang armed struggle ang ayaw ko diyan, hindi ko gusto. That’s the problem,” ani Duterte.
“Solohin nila na sila lang ang marunong magpatakbo na they have a monopoly of talent in this world. Kung magsalita. Kayong mga nakikinig, mga NPA, kala ninyo sino kayo.”
0 Mga Komento