Duterte 10-araw na ceasefire sa NPA, Defense Sec,ayaw sa tigil potukan!

Nagdeklara na ng sampung araw na Suspension of Military Operations o SOMO si Pangulong Rodrigo Duterte para sa diwa ng Kapaskuhan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, epektibo ang unilateral ceasefire sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA simula sa Disyembre 24 hanggang Enero 2 sa susunod na taon.


Dagdag ni Roque, makababawas din sa agam agam ng publiko sa seguridad sa bansa ang ipatutupad na tigil opensiba ng tropa ng pamahalaan.

Umaasa naman ang Malacañang na magiging positibo ang tugon ng CPP-NPA at magdedeklara rin ito ng tigil putukan.

Gayundin, umaasa ang Malacañang na sa ganitong okasyon ay makikita ang pagkakaisa ng mga Pilipino bilang isang nasyon na naghahangad ng kapayapaan para sa bansa.

Samantala sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na susunod ang liderato ng Armed Forces of the Philippines sa naging utos ng pangulo na magpatupad ng Suspension of Military Operations (SOMO) ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng opisyal na tutupad ang liderato ng militar sa anumang utos na magmumula sa kanilang Commander-in-Chief.

Pero kung siya umano ang tatanungin ay wala umano siyang balak na magrekomenda ng tigil-putukan lalo na sa mga terorista ngayong Christmas season.

Kung anuman ang naging desisyon ng pangulo ay buong puso umano silang susunod dito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento