Alejano to Duterte;Wala kang Puso!

‘WALANG PUSO’ito ang maanghang na salita na binitiwan ni Rep. Gary Alejano laban sa pinaigting na One Time Big Time ng PNP. 

Nasawi ang isang 17-anyos na estudyante sa isang anti-drug operation sa Caloocan City police kamakailan. 

Kinuwestiyon ni Alejano kung tunay nga bang may malasakit si Pres. Duterte sa mga Pilipino.

”Saan hinugot ni Pangulong Duterte na mahal niya ang mag Pilipino kung wala siyang pakundangang pumapatay ng libo-libo?pagtatanong ni Alejano.

Sinabi pa ni Alejano na para bang natutuwa pa ang Pangulo sa sinapit ng kanyang mga anak,dahil itinuturing na siya ama ng bansa.
Binanggit din ni Alejano na ang pangulong Duterte ay ”Walang Puso. 

”Paano siya maituturing na ama ng bansa kung siya ay natutuwa pa sa mapait na sinapit ng kanyang mga anak?walang puso si Duterte!” giit pa ni Alejano.

Samantala sa Senado,magpapatawag ng pagtitipon sa lahat ng senador ang senate minority sa Martes, para pag-usapan ang nangyayaring pagpatay na may kaugnayan sa droga.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento