2 miyembro ng NPA sumuko sa otoridad sa Northern Samar

Bagong dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumurender sa mga otoridad sa Northern Samar.

Ayon kay Major Rico Morales, Civil Military Operation Officer ng 803 Infantry Brigade na nakabase sa Northern Samar, isinuko rin ng dalawang rebelde ang dalawang kalibre 45 na may lamang bala.


Sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno ay binigyan ang mga ito ng cash at livelihood assistance para sa kanilang pagbabago at may pagkukunan na hanapbuhay.

Sa ngayon ay nananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng dalawang sumuko para na rin sa seguridad ng mga ito.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento