Walang isosoling mga gold bars ang pamilya Marcos kundi Gold certificates -Sen. Lacson

Wala umanong isosoling mga bara ng ginto ang pamilya Marcos sa gobyerno gaya ng nabanggit sa mga ulat. 

Paliwanag ni Senator Panfilo Lacson, kung meron man, ito ay mga gold certificates na dati na umanong naipakita sa kanila noon ni dating First Lady Imelda Marcos. 

Sa pagkakaalam din ni Lacson, matagal nang nagte-trade ng ginto si dating Pangulong Ferdinand Marcos . 

Dagdag pa ni Lacson na binanggit sa kanila noon ni Ginang Marcos na wala pa sa gobyerno o hindi pa pangulo ng bansa ay nangangalakal na ng ginto ang yumaong dating pangulo.  

Magugunita na nag-alok umano ang pamilya Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na kanilang ibabalik sa gobyerno ang sinasabing mga ill-gotten wealth kabilang ang mga gold bars.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento