Lacson at Faeldon maghaharap, Lacson:“Let’s not call it a faceoff kasi ayoko maki­pagsabong sa kanya!


Inaasahan man ang paghaharap ngayon nina Senador Panfilo Lacson at dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon, ayaw naman itong tawagin ng senador na faceoff.

Ngayong umaga ipagpapatuloy ng Senate blue ribbon committee ang pagdinig nito kaugnay sa kontrobersiyal na pagpupuslit ng P6.4 bilyon shabu sa BOC. 

Inaasahan ang pagdalo ni Faeldon matapos ipa-subpoena ng komite dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig nitong Martes. 

Kung matatandaan, nagkaroon ng palitan ng akusasyon sina Lacson at Faeldon matapos na unang pangalanan ni Lacson sa kanyang privilege speech na kasama ito sa tumatanggap ng tara o payola sa BOC. 

Ngunit agad namang bumuwelta si Faeldon nang akusahan nito ang senador na smuggler at anak nitong si Pampi. 

Dahil dito, ayon kay Lacson, na handa naman niyang harapin si Faeldon ngunit wala naman siyang planong komprontahin ito at makipaghamunan.

“There’s no such thing as a faceoff. If he’s there and I’m there, I’m not challenging him or anything to that effect,” ayon kay Lacson kasabay ng paglilinaw na nakatuon lamang siya sa isyung ibi­nato sa kanya dahil malinaw namang personal ang atake sa kanya nito.

“Basta ako I stand by the contents of my privilege speech. Let’s not call it a faceoff kasi ayoko maki­pagsabong sa kanya. 

In the first place, personal ang attack niya and I’m sticking to issues,” ayon pa sa senador. 

Sa tanong kung maghahain siya ng libel case laban kay Faeldon, tugon ni Lacson, ipinaubaya na niya umano sa kanyang anak kung magsasampa ito ng libel suit ngunit maaa­ring isulong niya ang pagsasampa ng corruption charges laban dito at nanga­ngalap lamang siya ng mga ebidensiya. 

“We’ll come to that. I’m consolidating all evi­dences. Even if he does not ask for it I really intend to pursue this,” dagdag ni Lacson.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento