Kabayan Rep. Harry­ Roque:Walang espesyal na batas para sa mga Marcos

Hindi puwedeng gumawa ng batas ang Kongreso na tanging ang mga Marcos ang makikinabang tulad ng paglibre sa kanila ng mga kaso kapalit ng isasauling kayamanan. 

Ito ang nilinaw ni Kabayan Rep. Harry­ Roque matapos ipasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bola sa Kongreso para gumawa ng batas para sa papasukin ­nitong negosasyon sa mga Marcos hinggil sa isasa­uling kayamanan.

“The Constitution will forever be our guiding document. We cannot legislate just to accommodate the Marcoses,” pahayag ni Roque sa press briefing kahapon.


Sinabi ni Roque na inilulutang na ni Duterte na posibleng humingi ng immunity ang mga Marcos kapalit ng kayamanan na ibabalik sa gobyerno.

Sakaling gumawa umano ng batas ang Kongreso puwedeng makinabang ang lahat ng mga nagnakaw sa gobyerno at nais ibalik ang mga ninakaw kapalit ng immunity sa mga kaso.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento