Ikinatuwa ni Chief Inspector Jovie Espenido ang pag-welcome sa kanya ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog.
Sinabi ni Espenido na hindi siya sanay na wine-welcome ng mga alkalde kung saan siya nadedestino.
Si Mayor Mabilog naman, nagpapasalamat dahil nadestino sa kanyang lugar ang kontrobersiyal na pulis.
Pagkakataon daw ito para mapatunayan na hindi siya sangkot sa iligal na droga.
Nauna ng nagpahayag si Mabilog na welcome si PCI Jovie Espinedo sa kanyang syudad,subalit nabigla lang umano ito na biglang itinalaga si Espinedo ng Pangulo at binanggit pa ang kanyang pangalan siya ay sangkot sa iligal na gawain.
“I am puzzled that Chief Inspector Espenido is being assigned here, and that the President has again mentioned my name. But if that is his directive, then I will work closely and cooperate with Chief Inspector Espenido in completely wiping out the remnants, if there are still any, of the illegal drug syndicate in Iloilo City,” ani Mabilog.
Ayon naman kay Espenido, matagal na raw problema talaga sa Iloilo ang iligal na droga.
Handa raw siyang pag-aralang mabuti ang tunay na sitwasyon ng nasabing lugar.
Tila nagpatutsada rin si Espenido kay Mabilog kaugnay sa relihiyon. Sa huli, sinabi ni Espenido na ipinauubaya niya sa Diyos ang mangyayari kay Mayor Mabilog.
Ang alkalde naman, naniniwalang lalabas din ang katotohanan.
0 Mga Komento