Iloilo City Mayor Jed Mabilog Aminado na kaniyang napabayaan ang problema sa iligal na droga sa kaniyang siyudad.

Aminado si Iloilo City Mayor Jed Mabilog na kaniyang napabayaan ang problema sa iligal na droga sa kaniyang siyudad. 

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police Director Gen. Ronald dela Rosa batay na rin sa kanilang pag uusap ng alkalde. 

Ayon kay Dela Rosa inamin sa kaniya ni Mayor Mabilog na hindi niya natutukan ang problema sa iligal na droga at nagresulta ito sa pamamayagpag ng ilang mga drug lord. 

Pahayag ni PNP chief na sa ngayon nakikita niya sa alkalde na nagsusumikap ito ngayon sa anti-drug campaign sa Iloilo City. 

At dahil sa nakikita niyang may effort ng ginagawa ang alkalde ay kaniya itong ipaparating kay Pangulong Rodrigo Duterte. 

Anyway yung sa sitwasyon naman sa iloilo nakikita ko naman rin na inamin naman ni mayor jed mabilog na napabayaan nya yung problema sa drugs noon, hindi nya naaddress but right now infairness to the good mayor nakikita ko naman na nagsusumikap sya sa anti drug campaign doon sa iloilo city so yang matter na yan ipaparating ko sa president,” pahayag ni PNP chief Dela Rosa.

Dagdag pa ni Dela Rosa batay sa nakikita niya niya ngayon kung gaano kagigil si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa iligal na droga yun din ang nakikita niya kay Mayor Mabilog. 
Kanila din pinapanalangin ang kaligtasan ng alkalde. 

Giit ni PNP chief na kaniyang sasabihan si Iloilo City OIC director Police Chief Insp. Jovie Espinido na ipanalangin ang kaligtasan ni Mayor Mabilog. 

Sinabi din ni Dela Rosa na mas maganda na parehong manalangin sa isat isa sina Espinido at Mayor Mabilog.

“I will also tell Espinido to pray for the safety of Mayor Mabilog. Ganun din dapat, you mutually pray for each other’s safety, mas maganda yun para walang madisgrasya. 
Si Mayor Mabilog will be praying for the safety of Espinido at si Espinido to pray for the safety of Mayor Mabilog para buhay kayong dalawa, walang mamamatay sa inyong dalawa,” wika ni Dela Rosa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento