Espenido sa mga Ilonggo: ‘Relax lang. ”Darating din ang panahon na makakalipat din ako dyan!

Umapela si Iloilo City Police Office officer-in-charge Chief Insp. Jovie Espenido sa mga Ilonggo na huwag madaliin ang paglipat niya sa Lungsod ng Iloilo. 

Sinabi ni Espenido na maghintay lang ang mga Ilonggo at darating din ang panahon na tuluyan na siyang makakalipat ng lungsod. 

Natitiyak naman ni Espenido na nakaabot na kay Philippine National Police (PNP) chief police director General Ronald dela Rosa at Pangulong Rodrigo Duterte ang nais niya na manatili pansamantala sa Ozamiz. 

Marami pa aniya kasing tatapusing trabaho sa Ozamiz dahil kahit wala na si Mayor Reynaldo Parojinog, marami pa rin itong galamay na hindi pa nahuhuli. 

Kailangan daw ayon kay Espenido na maaretso muna lahat ng mga masamang tao sa Ozamiz bago iwan ang lugar dahil naaawa siya sa mga residente ng lungsod na nagmamakaawang huwag muna siyang umalis. 

Pero hindi raw masabi ni Espenido kung ilang buwan bago niya matapos ang trabaho sa Ozamiz City.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento